What's on TV

Kevin Santos: 'Walang problema sa akin kung ma-typecast ako sa gay roles'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 5, 2020 7:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Liza Soberano hangs out with 'KPop Demon Hunters' singer Arden Cho
Why your fire safety plan needs financial backup
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed

Article Inside Page


Showbiz News



Tapos na ang daring primetime series na 'My Husband's Lover' pero maraming nagtatanong kung magkakaroon muli ng ganoong show. At dahil very memorable din ang pagganap ni Kevin Santos bilang gay best friend ni Eric, may mga nag-iisip na baka naman puro gay roles ang maibigay sa kanya. Ano kaya ang susunod na career move ni Kevin?

Very memorable ang pagganap ni Kevin Santos as Eric’s gay best friend, Danny, in My Husband’s Lover. Bukod sa agaw-eksena niyang acting, ang kanyang karakter din ang nagbigay ng comic relief sa madramang palabas.

Ano kaya ang susunod na career move ni Kevin?

Nakakuwentuhan namin si Kevin sa backstage ng One More Try: My Husband’s Lover The Concert noong October 12. Ayon sa kanya, sobrang mami-miss niya ang pagganap kay Danny dahil naging malaking bahagi na ito ng kanyang buhay.

Pagbabahagi niya, “Actually, sobrang hindi ko ine-expect na lalaki nang ganito ang role ni Danny. Hanggang dulo umabot siya. Super happy ako kasi parang ito ‘yong pinaka-big break ko dahil sa My Husband’s Lover.”

Hindi niya raw talaga makakalimutan si Danny dahil sobrang kakaiba ng karakter na ito kumpara sa mga nagampanan na niya noon.

“Nakapag-play na rin ako ng gay roles before, pero ang ganda lang ng story ni Danny, kasi pati ‘yong background ng character ni Danny, kinalkal. Ganoon siguro ‘yong tumatak sa tao kaya na-appreciate nila,” saad niya.

Hindi ba siya nababahala na baka puro gay roles na ang ibigay sa kanya dahil talagang effective siya sa pagganap nito?

Ani Kevin, “Walang problema sa akin kung ma-typecast ako sa gay roles. Ako naman kasi, nagtatrabaho lang tayo. Kung ano man ‘yong isipin ng ibang tao, okay lang sa akin. At least alam ko na lalaki talaga ako, ‘di ba?”

Kung siya ang papipiliin, anong klaseng karakter ang nais niyang maibigay sa kanya?

“Hangga’t maaari, lahat gusto kong gampanan kasi siyempre ang actor kasi, hindi lang naman isang role ang gagampanan mo. Kailangan talagang lahat pagdaanan mo para at the same time, ‘yong craft mo, mag-level up,” sagot niya.

Umuusbong na talaga ang career ni Kevin. Nabanggit pa nga niya na mayroon na siyang upcoming teleserye, ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagan pang detalye tungkol dito.

Sabay-sabay nating abangan ang susunod na pagganap ni Kevin Santos. Para sa mga update ukol kay Kevin at sa inyong paboritong Kapuso stars and shows, mag log-on lamang sa www.gmanetwork.com. -Text by Samantha Portillo, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com