GMA Logo Khalil Ramos and Gabbi Garcia
What's Hot

Khalil Ramos, gustong matikman ang exotic foods para sa kanilang web series na 'Front-Seat Foodies'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 27, 2021 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Khalil Ramos and Gabbi Garcia


Kuwento ni Khalil, bukod sa mga masasarap na pagkain sa Metro Manila, gusto niyang matikman ang exotic insects para sa kanilang web series.

May dalawang episode na ang bagong online food series nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na 'Front-Seat Foodies.'

Ang una nilang pinuntahan ay ang patok na gotohan sa Makati, ang Goto Monster. Ang sumunod naman ay ang popular na burger chain na Sweet Ecstasy.

Bukod sa mga patok at popular na kainan sa loob at labas ng Metro Manila, ibinahagi ni Khalil na gusto niya ring matikman ang exotic foods sa iba't ibang lugar.

Saad ni Khalil sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras, "Kumain kami ng burger na may peanut butter at jalapeño [pero] gusto namin i-try 'yung mga exotic food."

"Kagaya ng mga insects na hindi mo talaga iisiping makakain mo. Susubukan namin 'yan."

A post shared by Front-Seat Foodies 🚘 (@frontseatfoodies)

Mapapanood tuwing Biyernes ang bagong episodes ng Front-Seat Foodies sa YouTube.

Gabbi Garcia and Khalil Ramos take on Pinoy food adventure on 'Front-Seat Foodies'