
Isa na namang bagong taon na puno ng oportunidad at pangarap ngayong 2025!
Marami ang umaasa at excited sa mga bagong proyekto, layunin, at tagumpay na makakamit nila sa bagong taon.
Isa na rito ang Sparkle star na si Khalil Ramos, na may set goals para sa kanyang karera at personal na buhay.
Ayon sa kanya sa GMANetwork.com, "It always remains the same for me, strive for growth [and] more learnings. Every year is an opportunity for me to do something new, to hone my craft even more, and to see the world even more. Kami ni Gabbi [Garcia] mahilig kami mag-travel so next year hopefully makapunta kami sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan."
Isa sa mga inaabangan ni Khalil ngayong 2025 ang makapag-travel sa Europa upang mapanood ang kanyang paboritong banda. "This year, first time ko pupunta ng Europe ever kasi papanoorin namin 'yung favorite band ko, Oasis. Magre-reunite sila so 'yung concert nila sa London naka-kuha ako ng tickets," ani Khalil.
Sa aspeto naman ng kanyang karera, may mga bagong proyekto ring dapat abangan ang kanyang fans. Kuwento ni Khalil, excited na siya para sa kanyang bagong movie na ipapalabas ngayong bagong taon.
Aniya,"Meron ako bagong movie na will be released [this year]. So abangan nalang nila kung ano 'yung movie na iyon. I'm really excited for it. It's a movie that I worked hard on as well."
Ngayong 2025, layunin ni Khalil na mas mapalago pa ang kanyang skills bilang aktor. Nais niyang subukan ang iba't ibang genre at bumalik sa telebisyon at teatro.
"I'm very very open on doing and exploring more genres. Pero sana sa 2025, hopefully makakuha ako ng either another project on stage or show naman kasi puro ako movies the past few years so hopefully makabalik din sa TV," pahayag niya.
Kilalanin pa si Khalil Ramos sa gallery na ito: