
May hatid na kilig ang tweet ng multi-talented Kapuso actor na si Khalil Ramos matapos nito mahalungkat ang old tweet ni Gabbi Garcia tungkol sa kanya.
Tweet ng primetime actress noong April 16, 2013, “Why do I find Khalil cute whenever he's cheering for Julia hihi.”
Ni-retweet ito ni Khalil at sinabi niya sa kanyang girlfriend, “Omg @gabbi u love me na 2013 pa?!!?”
Omg @gabbi u love me na 2013 pa?!!? 😁 https://t.co/YQgoV9mOx0
-- Khalil Ramos (@TheKhalilRamos) April 8, 2021
Napa-react naman si Gabbi sa post na ito ng kanyang boyfriend.
“OMG HAHAHAHAHA my 2013 self is shy”
OMG HAHAHAHAHA my 2013 self is shy
-- Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) April 8, 2021
Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang fourth anniversary together noong February 2021.
Mapapanood din ang cute couple soon sa mystery-romance miniseries na Love You Stranger.
Tampok din sa latest summer ad campaign ng Bench ang Kapuso showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Kilalanin ang iba pang big stars na kasama sa naturang campaign ng clothing giant sa gallery below.