
Ramdam na ramdam ang diwa ng pasasalamat ngayong Pasko sa isang espesyal na handog mula kay Sparkle star Khalil Ramos.
Kamakailan lang, isang maagang Christmas celebration ang ibinahagi ni Khalil sa mga bata ng Asociacion De Damas De Pilipinas. Puno ng saya ang party na may kasamang mga laro, gift-giving at pabasa ng heartwarming letters
Syempre, hindi mawawala ang masarap na kainan at ang masayang group photo kasama ang Sparkle star.
Ang munting selebrasyon ay paraan daw ni Khalil upang magpasalamat at ibalik ang mga biyayang natamo niya ngayong 2024.
"Malapit ang puso ko sa mga bata. I was just once like them na talagang may mga pangarap din sa buhay and it's always important to me to be able to you know give back," sabi niya.
Nais din niyang magpatuloy ang ganitong mga aktibidad upang magbigay ng pasasalamat at pagmamahal sa lahat.
"Be sure na every year we get to do this, na we get to give back to the children, to the community. Syempre with the support of [Sparkle GMA Artist Center] and [GMA Network]," ani Khalil.
Maliban sa kanyang maagang Christmas party, abala rin si Khalil at ang kanyang celebrity girlfriend na si Gabbi Garcia sa paghahanda ng kanilang huling out-of-the-country trip ngayong taon. Balak nilang maranasan ang White Christmas bago mag-Pasko, bilang bahagi ng birthday celebration ni Gabbi na magaganap ngayong December.
"It's actually for her birthday party celebration kasi December 2 siya, 'di ba?" pahayag ni Khalil. "Oo White Christmas malamig, sobrang lamig."
Naghahanda na rin si Khalil para sa kanyang upcoming big projects sa darating na 2025.
Samantala, silipin ang travel photos nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, dito: