GMA Logo khalil ramos
What's Hot

Khalil Ramos, naghatid ng kilig sa 'One Hit Wonder'

By Karen Juliane Crucillo
Published August 25, 2025 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Off The Record: Throwback time! NIOR reacts to their old photos
Balitanghali Livestream: January 30, 2026
11 bodies believed to be from sunken vessel found off Basilan

Article Inside Page


Showbiz News

khalil ramos


Pumatok ang pelikula ni Khalil Ramos na 'One Hit Wonder' sa netizens dahil sa feel-good 90s songs at kilig moments nito.

Retro at kilig vibes ang hatid ni Khalil Ramos sa kaniyang musical-drama film na One Hit Wonder, na kasalukuyang pasok sa Top 2 ng Netflix.

Kinagiliwan ng netizens ang "hindi nakakabitin" na kuwento ng pelikula. Lalo itong pinuri dahil sa '90s songs na kinanta sa pelikula, na naghatid ng matinding "nostalgia" sa mga manonood.

Pinuri rin si Khalil bilang isang mahusay na singer na nagdala ng kilig sa netizens bilang kaniyang karakter na si Entoy.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa pelikula at kay Khalil:

Nakasama ni Khalil sa pelikula si Sue Ramirez, na gumanap bilang Lorina, ang kanyang love interest at kabanda.

Bumida rin si Khalil sa Olsen's Day kasama si Romnick Sarmenta noong March 7, kung saan humakot siya ng parangal bilang Best Actor sa Puregold CinePanalo Film Festival 2025.

Samantala, tingnan dito ang showbiz career ni Khalil Ramos: