
Aliw na aliw si Gabbi Garcia sa kanyang boyfriend si Khalil Ramos matapos nitong magpadala ng video kung saan ginagaya niya ang eksena ni Gabbi sa Encantadia.
Sa episode na ipinalabas kahapon, April 1, kinakausap ni Gabbi, na gumaganap bilang Sang'gre Alena, si Klea Pineda, na gumaganap bilang Muyak.
Masaya si Sang'gre Alena na natalo siya sa paglalaban kung sino ang magiging susunod na reyna ng Lireo. Mas gusto kasi ni Alena na maging simpleng Encantadia para mayroon siyang kalayaan kung sino ang gusto niyang mahalin.
“Teka lang hahahuhu Khalil sent me this :(( HAHAHA,” ani Gabbi sa kanyang tweet kalakip ng video ni Khalil.
Teka lang hahahuhu Khalil sent me this :(( HAHAHA pic.twitter.com/5RP9YguT1i
-- Gabbi Garcia ♡ (@gabbi) April 1, 2020
Umeere muli ang requel ng Encantadia sa GMA Telebabad dahil pansamantalang sinuspinde ng GMA Network ang produksyon ng drama shows nito alinsunod sa umiiral na enhanced community quarantine.
READ: GMA Network Statement on Programming