GMA Logo Khalil Ramos
Photo source: khalilramos (IG)
Celebrity Life

Khalil Ramos, sumabak sa culinary school

By Karen Juliane Crucillo
Published January 14, 2026 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Martin Romualdez never met Discaya couple – lawyer
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Khalil Ramos


Nasa cooking era na ngayon si Khalil Ramos matapos niyang sumabak sa culinary school.

Ngayong 2026, may isa pang bagay na gustong matutunan si Khalil Ramos, at ito ay ang pagluluto.

Sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras noong Martes (January 13), ibinahagi ng Sparkle artist na nag-enroll na siya sa culinary school.

“I started just last week, just basic culinary school. I went back to learning, which is a nice thing to do this start of the year. I'm doing that until March,” sabi ni Khalil.

Inamin ng aktor na mas naging inspired siya sa paghasa ng kanyang cooking skills dahil nagmula siya sa isang pamilyang marunong magluto.

Bilang parehong mahilig sa pagkain siya at ang kanyang nobya na si Gabbi Garcia, ibinahagi ni Khalil na posibleng ito ang unang hakbang para sa dream branch place nila sa future.

Maliban sa pagluluto, isa rin sa mga pinagkakaabalahan ni Khalil ang sining at pagta-travel kasama si Gabbi. Ibinahagi rin niya na may pinaghahandaan siyang pelikula ngayong taon.

Nitong December 2025, nagtungo sina Khalil at Gabbi sa Shanghai, China, para sa selebrasyon ng 27th birthday ng Sang'gre star.

Panoorin ang buong panayam dito:

Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na nag-aral ng culinary arts: