
Labis ang pasasalamat ng Kapuso actor-singer na si Khalil Ramos dahil sa mga naglalakihang proyekto niya ngayong taon.
Isa sa exciting projects ni Khalil ay ang upcoming series na Simula Sa Gitna kasama sina Kapamilya actress Maris Racal, internationally-acclaimed actress Dolly De Leon at marami pang iba.
Pagbibidahan din ng aktor at ni Sparkle actress Ashley Ortega ang pelikulang As If It's True, na official entry para sa Cinemalaya Film Festival.
Bukod dito, kabilang si Khalil sa cast ng musical play na Tick, Tick… Boom! na produced ng 9 Works Theatrical. Ito rin ang theater debut ng Kapuso artist.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Khalil sa sidelines ng Cinemalaya press conference kamakailan, masaya, blessed, at puno ng pasasalamat ang aktor sa pagdating ng kanyang mga proyekto.
“I'm just so blessed. Sobrang happy ako with the support that everyone is giving me- my family, my friends, of course the management, Sparkle, and GMA. It's always an artist's dream to have multiple projects and I'm very thankful that I was able to be part of them,” pagbabahagi niya.
Ayon pa kay Khalil, nais niyang mag-grow ngayong taon. Aniya, “Naisip ko lang na this year gusto ko mag-grow kasi 'di ba post-pandemic, ang daming nawala sa atin, ang dami nating kinailangan gawin na adjustment.
"Sabi ko sa sarili ko, 'this year gusto ko sana ako naman, sana magawa ko 'yung mga gusto kong gawin.' And true enough, na-attract ko 'yung energy na 'yon. I'm very thankful to keep doing what I love doing."
Ipinamalas din ni Khalil ang kanyang acting prowess sa telebisyon sa pamamagitan ng iba't ibang Kapuso shows gaya ng Maria Clara at Ibarra, Love You Stranger, Regal Studio Presents: One Million Comments, Magjo-jowa na Ako, at Stories From The Heart: Love on Air.
SAMANTALA, ALAMIN ANG SPARKLING SHOWBIZ TRIUMPHS NI KHALIL RAMOS SA GALLERY NA ITO.