
Masaya ang child actor na si Kian Co sa mga natatanggap na papuri mula sa manood ng historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Kuwento ito ng isang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Marami ang patuloy na humahanga sa mahusay na pagganap ng 8-year-old actor bilang Crispin, ang bunsong anak ni Sisa na ginagampanan ni Andrea Torres.
Ewan ko ba, watching Crispin in all his scenes always tugs at my heartstrings kahit light ang eksena. Ang galing ng pagkaka-portray -- the innocence and cheerfulness of the kid made it more heartbreaking esp knowing how his story will end. Hay. #MariaClaraAtIbarra #MCICrispin https://t.co/d92WuGgukU
-- Isteeve Armstronk (@oshkoshlacoshte) October 28, 2022
Hello Crispin, sobrang galing mo 💜 sayo talaga ako umiyak ng todo. God bless you and more projects to come! Napakahusay mong bata 💜
-- astro.fangirl (@yourcpaauthor) November 3, 2022
Nakakamiss makita si Crispin! Kaawa-awang bata.#MCIKlayAtClara
-- KB Almiro PL (@PLBelleAlmiro) November 1, 2022
KapusoBrigade@MulawinBatalion@Almiro_KB
Isang napaka-galing na batang aktor. Nagampanan mo mabuti ang pagiging-crispin sa storya. #MCICrispin
-- OMSNC || #MCINursingSisa || (@onmidstamixx_ph) October 28, 2022
Ayon kay Kian, hindi niya inaasahan na marami ang makapapansin sa kanya sa serye.
"Nagulat po ako kasi napansin po nila ako, madami rin po ako nababasa sa Twitter na gusto po nila humaba pa ang role ko po or sana mabigyan daw po ako ng bagong project sa GMA. Nakakatuwa po magbasa ng messages ng mga netizens para po sa akin, masaya po ako na marami po palang gustong makita po ako sa TV," kuwento ni Kian sa GMANetwork.com.
Nagpapasalamat din ang batang aktor sa bumubuo ng Maria Clara at Ibarra dahil aniya ay silang gumabay sa kanya ng mga dapat na gawin sa eksena.
"Masaya po, bitin nga po eh, maalaga po sa amin ang buong production at mababait po lahat ng artista na kasama namin. Nung nasa lock-in taping po kami, para lang po kaming nagbabakasyon.
"Bilang bunso po sa serye, ramdam ko po ang pagiging baby ko sa kanila at 'di ko po makakalimutan nu'ng binigyan po ako ng chocolate ng EP po namin pagkatapos ng scenes ko po. Alam na rin po nila na mahilig ako sa chocolate kasi lagi akong may baon sa set," sabi ni Kian.
Patuloy na subaybayan ang Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'MARIA CLARA AT IBARRA' SA GALLERY NA ITO: