Malaman ang mensahe ng aktor na si Kier Legaspi sa Instagram ngayong Lunes, July 19.
Makikita sa post ng nakababatang kapatid ni Zoren Legaspi ang mensaheng, “Magpainterview kaya ako para 'yung side ko naman ang marinig.
“I'm trying to take all the punches and lies but let's see how you would feel if I tell my side of the story. Game?”
Wala siyang anumang caption na inilagay rito.
Hindi rin tinukoy ni Kier kung para saan at para kanino ang kanyang mensahe.
Gayunman, hindi naiwasan ng ilang mga nakakita nito na iugnay ang mga naging pahayag ng panganay niyang anak na si Dani Barretto, na lumabas sa vlog ng comestic surgeon na si Vicki Belo kamakailan.
Sa naturang vlog, inamin ng 28-year-old celebrity mom ang tungkol sa di nila pagkakaunawaan nila kanyang ama noon, na dahilan ng hindi nila pag-uusap sa loob ng pitong taon.
Kuwento ni Dani, "So, I lived with him for three months, tapos we had fun.
"Doon ko nakilala 'yung dad ko, parang we had a relationship.
"I have great memories of him, but naudlot siya parang after three months, doon kami nagka-falling out.
“There was a fight... A fight occurred one night and hindi na na-resurrect from that night, we just stopped talking after that fight.”
Sa kabila nang gusot sa kanilang relasyon, last year ay tinawagan daw ni Dani ang kanyang ama para makapag-usap.
Pagbabalik-tanaw niya, “I spoke to him last year [2020], I called him.
“Because I also had a baby and I was very emotional because, of course, I knew he's just there and I want my daughter to know him.
"'Di ba, parang I don't wany my daughter to grow up na what if she asked me about my dad, wala akong masagot, cause I don't know what's happening with his life."
Panoorin ang kabuuan ng panayam dito:
Samantala, tingnan ang ilang celebrity heartthrobs noon na lolo na ngayon: