
Comedy movies ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Isa sa mga pelikulang matutunghayan dito ang Kiko en Lala, ang first starring film ni Kapuso comedian Tekla.
Tampok siya sa dual roles bilang kambal tuko o conjoined twins na sina Kiko at Lala. Nagtatrabaho silang dalawa sa isang karnabal.
Ang tanging hiling lang nila sa buhay ay magkahiwalay sila para makasama ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.
Nais ni Kiko na makasama na ang nobyang si Aning (Kim Domingo), habang gusto namang lalong makilala ni Lala ang guwapong si Rap-rap (Derrick Monasterio).
Bibigyan sila ng pambihirang pagkakataon ni Deadline (Aiai Delas Alas), isang fairy godmother. Sa tulong ni Deadline, maaari silang maghiwalay pero isa lang sa kanila ang maaaring mabuhay.
Ano ang pipiliin ng kambal?
Tampok din sa pelikula sina Kiray Celis, Divine Tetay, at Jo Berry.
Panoorin ang launching film ni Tekla na Kiko en Lala, June 10, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa fans ng horror comedy, huwag palampasin ang Mang Kepweng Returns na pinagbidahan ni Vhong Navarro.
Gaganap siya dito bilang isang lalaking nakakakita ng mga multo at masasamang espiritu.
Matatanggap ba niya ang kapalaran bilang napiling tagapagmana ng legendary albularyo na si Mang Kepweng?
Abangan ang Mang Kepweng Returns, June 12, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.