
Last June 20, nag-celebrate ng birthday si Kiko Estrada kasama ang kaniyang mga fans sa Kodanda Archery Range. Bago magsimula ang kanilang archery activity, nagpasalamat muna ang Kapuso actor sa lahat ng dumalo sa kaniyang selebrasyon.
Photo by: Elisa Aquino, GMA Network Inc.
Aniya, "Thank you for coming, mag-archery tayo at mag-bonding tayo. It's your chance to get to know me more and I'm blessed to have you [here]. I love you guys. Thank you so much."
Archery ang napili ni Kiko na activity na gawin kasama ang mga fans dahil two years na raw niyang ginagawa ang hobby na ito. Maliban pa rito ay ginagamit niya itong pantanggal ng stress.
"Actually madali 'yung archery; it's a stress reliever. Kung may problema man kayo, ilabas n'yo rito. It's a fun exercise, it's a fun hobby," wika ni Kiko.
Ipapamalas kaya niya ang kaniyang archery skills sa Mulawin VS Ravena?
"Well with Mulawin VS Ravena, you never know what's gonna happen so baka magamit. Kung hindi naman, baka ibang klaseng form of fighting. Nagte-train naman tayo diyan so I'm excited to learn new stuff and be a part of the class. Marami pa kaming bala na hindi nakakasa so guys, please watch Mulawin VS Ravena."
Binahagi rin ni Kiko ang kaniyang birthday wish.
"I wish for everyone to be blessed and to be happy because happiness is most important," hiling ng aktor.
Marami pang projects ang dapat abangan mula kay Kiko gaya na lang ng mga movies.