
Sumabak na sa acting workshop ang mga stars ng Mulawin vs. Ravena na binubuo nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Derrick Monasterio, Bea Binene at Kiko Estrada.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, hindi maiwasan ng mga teen stars na ma-excite para sa big project na ito.
Ani Miguel, “Dream role ko pong maging part ng Mulawin ulit, tapos eto na may Mulawin ulit and part kami and napabuti pa kasi kasama ko si Bianca [Umali] 'di ba.”
Dagdag din ni Bianca, “Before talagang ini-imagine ko na sana ma-feel kong lumipad, kung paano nila ginagawa. Tapos so parang, ngayon po na nalaman ko na kasama ako sa cast ng Mulawin vs. Ravena talagang dream come true.”
Samantala naghanda naman ang Tsuperhero stars na si Bea Binene sa pagti-train uli ng Wushu at si Derrick Monasterio naman ay regular na nag-gi-gym at nagbo-boxing.
Ayaw naman ng anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada na ma-disappoint ang mga fans o ang kaniyang pamilya, kaya pinagbubutihan niya ang paghahanda para sa Mulawin vs. Ravena.
Si Gary Estrada ay naging parte ng first Mulawin series nang gumanap siya bilang si Rasmus.
Saad ni Kiko, “I want them to see this role and siyempre gagalingan kasi magaling ‘yung tatay ko and I never want to upset or disappoint my family or the fans or anyone. So, 100% Kiko Estrada ito and 100% of my efforts and my talents is gonna be here in Mulawin.”
Video courtesy of GMA News
MORE ON 'MULAWIN':
LOOK: Hottest Telefantasya Hunks
Miguel Tanfelix, gaganap muli bilang Pagaspas ng 'Mulawin' matapos ang 12 years