
Ex-boyfriend kasi ni Donita Rose si Gary Estrada na siya namang ama ni Kiko.
Sa isang interview with the press, naikuwento ni Kiko Estrada ang unang pagkikita nila ni Donita Rose sa set ng That’s My Amboy.
Ex-boyfriend ni Donita Rose si Gary Estrada na siya namang ama ni Kiko Estrada. Tinawag din ng press na "the greatest love" nga raw ni Gary Estrada si Donita Rose noong kabataan nila.
Kuwento ng aktor, “Alam mo ba, sabi ni papa [Gary Estrada,] actually hindi ko nakausap si papa. Si Kuya Jun! 'Yung best friend ni papa, [siya yung nakausap ko.]”
Sa usapan daw nila ng kanyang Kuya Jun ay nagbibiruan sila ng “so si Tita Donita mo, si Mommy Donita.” Ika niya, “Nagbiruan kami. Kaya sabi ko [kay Donita Rose], pagkapasok ko [sa set,] ‘Hi, mommy!’”
Nilinaw naman niya na it was all in good taste. Aniya, "We made a joke about it. I love Tita Donita."
READ: Kiko Estrada, pressured sa kanyang bagong teleserye?
READ: Donita Rose, magpa-Pangasinense sa 'That’s My Amboy!'