
Tampok ngayong Sabado sa "Laklak" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng isang lalaki na napahamak matapos sumali sa "Laklak challenge" ng mga kainuman.
Para sa papremyong nagkakahalaga ng PhP20,000, kumasa si Jay Mark (Kiko Matos) sa challenge kung saan paunahang makaubos ng isang '"long neck" na alak. Ang hindi alam ni Jay Mark, ang challenge na ito ang maglalagay sa kanya sa kapahamakan.
Makakasama ni Jay Mark sa episode ng ito sina Aleck Bovick (Rosevida), Julia Pascual na gaganap bilang kanyang mag-ina, Tom Olivar, Jose Sarasola, Matt Lozano, Brent Valdez, at Ice Arag.
Huwag palampasin ang "Laklak" episode ngayong Sabado, November 12, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI ALECK BOVICK SA GALLERY NA ITO: