What's Hot

Kilalanin ang binatilyong nag-mini concert sa fishball break ni Willie Revillame

By OWEN ALCARAZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 13, 2020 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Sino AJ or Arjohn Gilbert?


 

Kahapon, (April 1) naging laman ng balita ang isang nakakatuwang pangyayari habang naka-fish ball break di kalayuan sa GMA Network area ang host ng Wowowin na si Willie Revillame.

Isang binatilyo ang lumapit at nagsimulang kumanta sa tabi ni Willie. Nagpakilala ang binata bilang si AJ at sa huli ay pinaunlakan ni Willie ang hiling nito na mag-guest sa kanyang show.

Sa ulat ng 24 Oras napag-alaman na si AJ or Arjohn Gilbert pala ay walang iba kundi ang batang Aeta na dati ng sumikat matapos maging viral ang kanyang video noong 2011.

Sino nga ulit si AJ?

Tubong Mabalacat Pampanga, si AJ ay isang Aeta na dating nagtitinda ng plauta at madalas mapagkikita sa tapat ng Puregold at Clark Freeport Zone na kumakanta.

Isa sa mga paborito nitong kantahin noon ay ang awiting pinasikat ni Justin Bieber na "Baby."  Isang private citizen ang nag-upload ng video ni AJ noong July 2011. Ang nasabing video ay umani ng 30,000 views sa loob lamang ng tatlong araw.

Ang nasabi ring video ni AJ ang siyang nakapagtala sa YouTube noon ng 500 million page views.

Matapos makilala si AJ noon, napasama siya sa music video na "We Can Be Anything" ni apl.de.ap, ang Filipino member ng international group na The Black Eyed Peas.

May ginawa din siyang indie film na pinamagatang "Limos" kung saan na-nominate na Best Actor.

Samantala, bago pa maging You Tube sensation si AJ, dati na ring na-feature si AJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho at sa Wish Ko Lang noong 2009.

Nakikipagsapalaran ngayon si AJ sa Maynila para sa kanyang ina na may sakit na cancer.


WATCH: Fishball break ni Willie Revillame, nag-ala concert dahil sa isang katutubo