Dahil sa kapangyarihan ng internet at social media, tila ba nagsusulputan na parang kabute ang mga bagong social media celebrities. Kilalanin ang ilan sa mga sikat na personalidad na nagsimulang sumikat sa isang simpleng video lang.
Pinakasikat na siguro si Charice Pempengco, dahil sa pag-viral ng isang video niya kung saan kumakanta siya sa South Korea. With a stroke of luck and talent iba't-ibang tayog ang kaniyang naabot, from guesting sa 'Ellen' at 'The Oprah Winfrey Show' to appearing in the hit musical comedy series 'Glee.' Naging mentor din niya si David Foster at nakabiritan sina Celine Dion, Andrea Bocelli, at Michael Bolton.
Bago pa man ang kinababaliwang app na DubSmash, matagal nang ginagawa ng comedy duo na Moymoy Palaboy ang pagli-lipsync sa YouTube. Sumikat ang kanilang version ng 'Marimar' at 'Wannabe' ng Spice Girls. Dahil dito, naging regular cast members sila ng longest-running gag show sa Pilipinas na 'Bubble Gang.'
"Nagtrip-trip lang kami noon. Parang gusto lang namin makita yung itsura namin sa screen ng internet," dagdag ni Roadfill Macasero, one half ng Moymoy Palaboy.
Pak. 360. Ikot. Modeling. Kung pamilyar ang mga linyang iyan, malamang napanood na ninyo ang social media sensation na si Maria Sofia Love. Isang model at fashion design enthusiast na gumagawa ng mga videos niya saan man magpunta. Ayon sa kaniya, ginagawa niya raw ang mga videos na ito "Para sa ekonomiya ng Pilipinas!"
Sumikat din sa pagiging isang internet sensation ang komedyanteng si Mikey Bustos. Relatable at nakakatawa ang mga videos na pino-post ni Mikey kaya naman patok na patok sa mga kapwa Pilipino.
Ang pinakasikat ngayon ay walang iba kung hindi ang DubSmash Queen na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub. Dahil sa kaniyang mga videos, natupad ang kaniyang secret dream na maging artista nang mapabilang siya sa 'Eat Bulaga' and the rest is history.
Marami nang sumisikat dahil sa social media kaya keep your eyes open dahil baka makakita kayo ng bagong star na titingalain, o 'di kaya ay kayo na ang susunod na social media sensation.