GMA Logo gma entertainment
What's Hot

Kilalanin ang kuwelang pamilya ng 'The Untold Stories of Philip Tampipi' at 'Pa-Cute ang Ina Ko!'

By Bong Godinez
Published March 25, 2021 11:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

gma entertainment


May bago na naman tayong aabangang istorya na tiyak na susundan at mamahalin natin. Kilalanin ang Pamilya Tampipi at Pamilya Ganado.

Dalawang kakaiba at nakakatuwang kuwento ang tiyak na magpapasaya sa atin, mga Kapuso. Laugh trip pero punong-puno ng aral at aliw ang matutunghayan kasama ang dalawang pamilya na bago nating mamahalin.

The Untold Stories of Philip Tampipi

Paano kung ang mga magulang mo ay parehong pipi't bingi? Tahimik kaya at zero sermon? Paano kayo mag-uusap sa loob at labas ng bahay?

Kilalanin ang adorable deaf-mute couple na sina Philip at ang kanyang maybahay na si Joy.

Together ay magkasama nilang itataguyod ang kanilang anak na sina Gela at Gelo o ang Tampipi's Angels na kapwa nakakapagsalita at nakaririnig.

Samahan at panoorin ang kanilang pang araw-araw na buhay na puno ng saya, lungkot, pagsubok, at katatawanan.

Pa-Cute ang Ina Ko!

Meet Mommy Pilita “P” Celis Ganado, ang simpleng pie and pastry online seller.

Unfortunately, namatay ang kanyang asawa at ama ng kanyang apat na anak na labis niyang ikinalungkot.

Pero in fairness kay Mommy P, sinisikap niyang sakyan ang trip ng kanyang mga anak para makasabay at maka-relate sa mga ito at isa na rito ang pagkuha ng videos nilang pamilya na mala-vlog at reality show ang mga eksena.

Tulad ng karaniwang pamilya, may challenges rin na kinakaharap ang Pamilya Ganado. Anu-ano kaya ang mga ito? Panoorin ang napapanahong istoryang ito na tiyak na magpapatawa at aantig sa inyong mga puso.