GMA Logo my absolute boyfriend on gma heart of asia
What's Hot

Kilalanin ang perfect oppa sa 'My Absolute Boyfriend'

By Bianca Geli
Published September 9, 2020 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Julia Montes surprises Alden Richards at his fan meet
Pop Mart opens cafe-themed pop-up store in QC
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

my absolute boyfriend on gma heart of asia


Nang maghiwalay sina Dada (Bang Min-ah) at kaniyang celebrity boyfriend na si Wayne (Hong Jong-hyun), makikilala niya ang humanoid robot na si Zero Nine o Rob (Yeo Jin-goo). Paano kung mahulog ang loob niya sa isang mapagmahal na robot?

Sanay na ang special effects makeup artist na si Dada (Bang Min-ah) na maging sikreto ng kaniyang sikat na celebrity boyfriend ni Wayne (Hong Jong-hyun).

Dahil sa imahe na pinangangalagaan ni Wayne, lihim sa lahat ang kanilang seven-year relationship.

Kalaunan ay naging mas busy si Wayne sa career, kaya tuluyan na lamang silang naghiwalay.

Makikilala naman ni Dada ang isang humanoid robot na si Zero Nine o Rob (Yeo Jin-goo) na nakadisenyo na ma-in love sa iisang babae lamang.

My Absolute Boyfriend

My Absolute Boyfriend

tvN / My Absolute Boyfriend

Isang accidental kiss ang mag-a-activate sa mga emosyon ni Zero Nine para kay Dada, na mamahalin niya bilang kaniyang girlfriend.

Habang nagiging malapit na ang dalawa sa isa't isa, malalagay sa peligro ang buhay ni Dada at babalik sa buhay niya si Wayne.

Babalik naman sa buhay ni Zero Nine ang kaniyang original owner.

Samantala, babalik rin ang original owner ni Zero Nine para bawiin siya kay Dada.

Ano na kaya ang mangyayari sa ating mga bida?

Tunghayan ang modern fantasy romance ng isangrobot na wagas ang pagmamahal sa isang babae sa My Absolute Boyfriend, malapit na sa GMA Heart of Asia!