
Kumpleto na ang contestants na maglalaban-laban sa third round ng The Clash Season 3 na pinamagatang 'Pares Kontra Pares.'
Ito ay matapos sumailalim ng huling 10 Clashers sa 'Kakulay-Kalaban' round kung saan nakatapat nila ang kanilang mga kagrupo.
Mula 20 Clashers, 16 na lang ang masuwerteng makakatungtong sa next round ng kompetisyon na matutunghayan next weekend.
Noong October 31 at November 1 episodes ng The Clash, ang mga grupong red at blue ang nagtagisan ng galing sa Clash Arena.
Sa red group, ang mga napiling makakapagpatuloy sa kompetisyon ay sina Princess Vire, Larnie Cayabyab, Renz Robosa at Kenan Quitco.
Samantala, sa blue group, sina Niña Holmes, Sheemee Buenaobra, Cholo Bismonte, at Eygee De Vera ang pasok sa next round.
Makakasama nila sa 'Pares Kontra Pares' round sina Yuri Javier, Audrey Mortilla, Fritzie Magpoc, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, Aerone Mendoza, Kyle Pasajol, at Shannen Montero.
Sa 'Pares Kontra Pares' round, kampihan ang labanan pero sa huli ay maaaring maging magkalaban ang dalawang contestant na magkapares kaya kailangan ng diskarte sa pagpili ng kanilang makakapareha.
Panoorin ang announcement ng top 16 sa video sa itaas. Maaari rin itong mapanood DITO.
Patuloy na subaybayan ang The Clash tuwing Sabado, 7: 15 p.m., at Linggo, 7:45 p.m. sa GMA-7.
Mayroon ding livestreaming ang bawat episode nito sa Facebook page at YouTube channel ng programa.