GMA Logo Sarap, 'Di Ba?
What's on TV

Kilalanin ang unang nagwaging 'Kitchen Bida' sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino
Published June 19, 2023 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Sarap, 'Di Ba?


Balikan ang naganap sa unang tapatan ng mga cooking in tandem sa "Kitchen Bida" ng 'Sarap, 'Di Ba?'

Isang bago at exciting na tapatan sa Sarap, 'Di Ba? kitchen ang napanood noong June 17.

Sa episode na ito ng Sarap, 'Di Ba? ay napanood ang unang Kitchen Bida kung saan nagtapatan ang dalawang cooking in tandem. Sila ay sina Donita Nose at Chef Niño Logarta at sina Divine Tetay at Chef Koochie Laxamana.

Tampok sa kitchen showdown na ito paggawa nila ng creative and delicious dish gamit ang secret bida ingredient na mga lamang loob.

Napanood ang inihanda nina Chef Niño at Donita na Pork Isaw, Chicken Liver, and Gizzard and Mala Sauce. Samantala, naghanda naman sina Divine at Chef Koochie ng Chicken Bopis Spring Rolls.

Sa huli, nagwagi ang sa panlasa ng celebrity chef na si Chef China Cojuangco ang dish nina Divine at Chef Koochie.

Abangan ang susunod na Kitchen Bida at pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? sa Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.