What's on TV

Kilalanin ang unang pitong contestants na pasok sa Top 16 ng 'The Clash'

By Jansen Ramos
Published October 21, 2019 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Lakers vs Rockets, Celtics vs 76ers, Blazers vs Spurs, NBA Playoffs
Probe sought into alleged encounter that killed 19 in Toboso
Huwag Kang Titingin: One Word to Describe your Character | Shuvee Etrata and Anthony Constantino

Article Inside Page


Showbiz News

The Clash Top 16


Magkakaroon ng wild card round sa susunod na episode ng The Clash para mabuo ang Clashers sa next round.

Intense na agad ang labanan sa pagsisimula ng Round 2 ng The Clash.

Sa episode ng singing competition nitong weekend, October 19 at October 20, pito ang pinalad na makapasok sa Top 16.

Ito ay sina Myrus Apacible, Jessel Lambino, Antonette Tismo, Jeremiah Tiangco, Marlon Ejeda, Tombi Romulo, at Janina Gonzales.


Walo dapat ang bilang ng Clashers na tutungtong sa next round.

Sa kasamaang palad, walang napili ang The Clash panel sa huling pares na naglaban, na sina Nicole Apolinar at Mark Mendoza, dahil hindi nagustuhan ng judges ang kanilang performance.

Dahil dito, inanunsyo ni judge Christian Bautista na magkakaroon ng wildcard round ang The Clash na mapapanood sa Sabado, October 26.