What's Hot

Kilalanin ang 'Zooperstars' ng GMA

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 21, 2020 10:08 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Isa bang 'Zooperstar' ang alaga mong hayop? Then para sa inyo ang bagong show na ito ng GMA!
Isa bang Zooperstar ang alaga mong hayop?Then para sa inyo ang bagong show na ito ng GMA! Text courtesy of GMA Network. Additional text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio Simula Linggo, February 28, bida lahat ng hayop dahil makikilala mo sila nang lubusan sa Zooperstars. starsKasama si Gelli De Belen at ang Panday Kids na sina Julian Trono at Sabrina Man, ang proudly pinoy animal talent/magazine show na ito ay siniksikan ng anim na segments na magbibigay-daan sa kumpleto at masayang pagtuklas ng mga hayop. ”I'm very thankful and sa show na ito. This is really something new, something new for me and something new for the people to watch. Hindi lang s'ya basta animal show na talagang iba. Sometimes it gets boring kasi when you watch these animal shows, pero ito, talagang iba’t-ibang klaseng hayop in one episode," ang paunang mensahe ni Gelli sa press launch ng Zooperstars. Zoopah Pets Kaya ba ng alaga niyong kumanta, sumayaw, mag-basketball at kung anu-anu pa? Patunayan ang galing ng alaga mo sa Zooperstars, ang talent contest na huhusgahan ng mga artista at eksperto sa hayop. Pagkatapos ay puntahan ang bahay ng mga artistang mapagmahal sa hayop sa Zooper Sikat. Abangan ang “baboy na pintor” na pinagmamalaki ng isang pulitiko o kaya nama’y kilalanin ang isda ng sikat na host na talo pa ang prinsipe sa pagiging spoiled dahil buong araw itong naka-aircon at pinagsisilbihan! Ipagpatuloy ang pagtuklas sa iba pang nakakamanghang hayop sa Zoopah Pets kung saan ang mga katulad ni Ava, isang mayamang shih tzu na naghanda ng engrandeng birthday party para sa mga pusa ay makikilala. Sa paniniwalang lahat nga hayop ay mahalaga, bumuo ang Zooperstars ng Lost Pet and Found bulletin kung saan pwedeng manawagan ang mga pet owners sa nawawala nilang alaga at kung saan ihahayag din ang mga matagumpay na paghahanap sa pamamagitan nang nakaka-antig na reunion sa studio. Siyempre, hindi makukumpleto ang pag-aaral sa mga hayop kung wala ang Pet Files, kung saan magpapaulan ng mga nakakawiling trivia at Zooprise> kung saan ang nakakawindang na hayop tulad ng isdang hindi nababaluktot ang buto o guinea pig na may buhok na sintulis ng sa mga porcupine ay magsisilbing “animal of the week.” "This is our latest offering, we hope you will help us spread the word because hindi lang siya entertaining, it is actually very educational. We are also trying to put in a lot of information about animals to attract kids and to encourage them to treat animals well," ang closing message ng GMA's AVP for Alternative Productions, Ms. Gigi Lara-Santiago. Kaya naman huwag palampasin ang siksik sa saya at impormasyon na Zooperstars. Magsisimula ngayong Linggo, February 28, 11:15-11:45 am, dito lang sa GMA. Pag-usapan ang Zooperstars sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!