GMA Logo Zyren dela Cruz in Lolong
What's on TV

Kilalanin si Zyren dela Cruz, ang younger version ni Ruru Madrid sa 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published July 5, 2022 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Zyren dela Cruz in Lolong


Umani ng papuri bilang younger version ng karakter ni Ruru Madrid sa 'Lolong' ang young actor na si Zyren dela Cruz.

Panalo sa ratings at top trending topic pa sa Twitter ang unang episode ng much-awaited na dambuhalang adventure-serye na Lolong kahapon, July 4.

Isang malaking treat para sa mga manonood na makita kaagad ang ilang action-packed scenes ng lead star na si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid na gumaganap bilang binatang si Lolong.

Pero siyempre, ipinakita rin ang kabataan niya kasama ang kanyang pamilya. Naging kapansin-pansin naman sa viewers at sa netizens ang young actor na gumanap bilang younger version ni Lolong--si Zyren dela Cruz

Sa Instagram account ni Zyren, ibinahagi niya ang behind-the-scenes video niya kasama si Dakila, ang animatronic crocodile ng show.

Makikita sa maikling video ang pagsasanay niyang sumakay sa likod nito.

Isang post na ibinahagi ni Zyren Dela Cruz (@zyrendelacruz)

Bukod dito, nag-post din si Zyren ng pictures nila nina Kenneth Giducos na gumanap bilang young Bokyo--karakter ni Mikoy Morales, at Lime Aranya na gumaganap bilang young Elsie--karakter ni Shaira Diaz.

Isang post na ibinahagi ni Zyren Dela Cruz (@zyrendelacruz)

Bago ang Lolong, napanood na si Zyren sa ilang Kapamilya shows tulad ng Bagani at La Luna Sangre kung saan gumanap din siya bilang younger version ng ilang karakter.

Bumida naman siya sa science fiction drama film na ANi kung saan co-star niya ang veteran actor-director na si Ricky Davao.

Ilang araw pang mapapanood si Zyren bilang young Lolong sa dambuhalang adventure-serye na Lolong kaya tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.