
Vocal face-off ang inihanda ng Family Feud sa "More Tawa, More Saya, More Love" Friday episode.
Ngayong February 6, mapapanood ang melody of romance sa tapatan ng powerful singers kasama ang kanilang devoted partners.
Magpapakita ng husay sa Team Good Vibes ang "Crystal Voice of Asia" na si Sheryn Regis kasama ang kaniyang partner, entrepreneur at influencer na si Mel de Guia. Kabilang din sa Team Good Vibes sina Jovie Ong at Ricky Hao sa paghula ng top answers.
Para naman sa Team Queendom maglalaro ang All-Out Sundays powerhouse at The Clash Season 4 Grand Champion na si Mariane Osabel-Santos. Makakasama ni Mariane sa Family Feud stage ang asawa niyang si Norman Patrick Santos. Parte rin ng Team Queendom ang BFF ni Marian na si Dior Bronia, at ang belter at grand champion ng The Clash na si Jessica Villarubin.
Abangan ang celebration of love ng Family Feud ngayong February 6, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!