
Bilang celebration ng 16th anniversary ng GMA Heart of Asia, isang nakakakilig na lakorn o Thai series ang muling mapapanood tuwing umaga.
Huwag palampasin ngayong July ang mga kuwento mula sa U Prince Series!
Sa The Handsome Cowboy, magkakakilala sina Bella (Esther Supreeleela) at Steve (Push Puttichai Kasetsin) bilang mga estudyante sa isang agricultural college.
May reputasyon bilang playboy si Steve kaya iiwas sa kanya si Bella. Pero kahit ganoon, naiintriga pa rin siya sa babaeng malamig ang trato sa kanya. Sakto naman kailangan nilang magkasamang manatili sa isang farm!
Ang hindi nila alam, magkababata pala sila na nagkahiwalay nang lumipat sa siyudad ang pamilya ni Steve. May second chance ba ang magkababata?
Sa pangalawang kuwentong The Gentle Vet, takot sa ulan si Stacy (Punpun Sutatta Udomsilp) habang mahilig namang maglaro sa ilalim nito si Jason (Kang Vorakorn Sirisorn), ang second year veterinary student na magkakagusto sa kanya.
Dahil sa takot na ito, hindi tuloy magawa ni Jason ang mga bagay na gusto niya kasama ang babaeng mahal niya. Kaya kaya niyang patuloy na protektahan si Stacy kahit siya mismo ang masaktan dito?
Subaybayan ang mga nakakakilig na kuwento sa U Prince Series, ngayong July na sa GMA Heart of Asia.