
May ni-reveal ang Bubble Gang comedienne na si Valeen Montenegro tungkol sa isang hot actor na naging “puppy love” niya noon.
Sa panayam sa kaniya sa podcast na Punchline with Alex Calleja, nausisa siya ng magaling na komedyante kung mero'n ba siyang nakarelasyon sa showbiz.
“Meron,” sabay tawa ni Valeen.
Dagdag niya, “Pero parang puppy love lang siguro 'yun.”
Muling tinanong ni Alex ang mestiza actress, “Sino nga?”
Napa-hirit na si Valeen, sabay sabi, “Nararamdaman ko kasi ito 'yung gagawin mong teaser, e [laughs]. Nae-edit ko na sa utak ko.”
“Si Victor Basa. Pero ano lang, parang cheesy-cheesy, ganun-ganun lang.
Apo ng dating aktor na si Mario Montenegro si Valeen at nagsimula siya sa mundo ng commercial, bago siya naging artista.
Kuwento ng Balitang Ina host kay Alex, “Nag-start ako commercials. Tapos parang may friend ako na kasama ko sa commercials sabi niya, 'Uy, mag-workshop tayo ng acting, dancing ganyan-ganyan.'
“Sa ABS pa 'yun , tapos sabi ko, 'Sige!', kasi summer naman e, walang school, so ginawa namin.”
Pagpapatuloy ng Fil-Spanish beauty, “Tapos nagulat kami, na-launch kami. Na-launch kami ng Star Magic Batch 13. Sabi ko, 'Kala ko ba summer workshop lang 'to?'”
“Para siyang accident na maganda naman 'yung nangyari, kasi until now, ito pa rin 'yung ginagawa ko na hindi ko in-expect.”
HETO ANG ILAN SA MGA CELEBRITY COUPLES NA MAGKARELASYON NOON:
ID: 4775