
Excited na ang fans sa pagsisimula ng bagong youth-oriented show na MAKA LOVESTREAM.
Magbibigay kilig sa MAKA LOVESTREAM ang love teams at bagong team ups ng paboritong Gen Z barkada na sina Zephanie, Shan Vesagas, Anton Vinzon, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Bryce Eusebio, Josh Ford, Chanty, Sean Lucas, John Clifford, Olive May, Mad Ramos, May Ann Basa, at Elijah Alejo.
Teaser pa lamang ay kinakiligan na ang ilang mga eksena nina Zephanie at Shan Vesagas bilang Faith at Joaquin sa unang yugto ng MAKA LOVESTREAM na "28 Days."
Sa isa pang teaser na inilabas ng MAKA LOVESTREAM ngayong Biyernes, ipinakilala na ang mga karakter na magbibigay buhay at kilig sa unang yugto ng MAKA LOVESTREAM na "28 Days" kabilang ang '90s icons na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews bilang Mama Pinky at Papa Jack, mga magulang ni Faith (Zephanie).
Makakasama rin sa youth-oriented show sina Buboy Villar at Pipay.
Abangan ang MAKA LOVESTREAM simula ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES SA 'MAKA LOVESTREAM' SA GALLERY NA ITO: