GMA Logo barbie forteza and david licauco
Source: @sparklegmaartistcenter (IG)
What's on TV

Kilig TikTok nina Barbie Forteza at David Licauco, may mahigit 2M likes na!

By Marah Ruiz
Published February 11, 2023 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

barbie forteza and david licauco


Umabot na ng mahigit 2 million likes ang kilig TikTok video nina Barbie Forteza at David Licauco.

Maganda ang chemistry ng Kapuso stars na sina Barbie Forteza at David Licauco kahit sa labas ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Source: @sparklegmaartistcenter (IG)

Nagbahagi si David ng isang maikling video nila ni Barbie sa TikTok kung saan nakikitang nagkukulitan ang dalawa. Umani na ng 2.1M likes, 16.3M views ang nakakakilig na video nila.

@davidlicauco

Hehe hi Klay

♬ bearies ng mamba - M420 Bearies

Sunud-sunod naman ang blessings para kina Barbie at David dahil sa atensiyong natanggap nila sa Maria Clara at Ibarra.

Napili sila kamakailan bilang kaunaunahang celebrity endorsers ng isang brand ng high-quality at affordable glutathione brand na ISHIN.

Hinirang din si Barbie bilang celebrity ambassador ng "Stream Responsibly. Fight Piracy."campaign ng GMA Network.

Layunin ng kampanya na hikayatin ang mga manonood, lalo na ang mas nakababatang henerasyon, na manood ng mga serye at pelikula sa mga lehitimong sources bilang pagbibigay ng halaga sa pagsisikap ng ibinuhos ng mga gumawa nito.

Napili rin si David bilang bilang bagong mukha ng local fragrance brand na Perfume Dessert.

Bukod dito, mas lumakas pa raw ang kanyang mga negosyo dahil na rin sa kasikatan tinatamasa niya ngayon.

patuloy na panoorin sina Barbie at David sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: