What's Hot

Kiligin at manginig sa 'The Master's Sun' simula May 19

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 1, 2020 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd at Grand Parade, Ritual Showdown hits 3.3M
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE
24 Oras Weekend Express: January 18, 2026 [HD]

Article Inside Page


Showbiz News



Alamin kung bakit magnet ng multo si Sunny. 

Handa na ba kayong kiligin at manginig sa takot ngayong Lunes?


Sa The Master’s Sun, makikilala natin si Sunny, ang babaeng nakakakita ng multo. Dati siyang matalino at popular pero nagbago ang lahat nang maaksidente siya. Simula noon, nakakakita na siya ng mga multo at kinakausap pa siya. Nakakatakot, di ba?


Si Johann, isang supladong CEO, ang makikilala ni Sunny na tutulong sa kanyang mga problema sa multo. Tuwing hahawakan siya ni Sunny, naglalaho ang mga multo. Tumitigil din ang mga ito sa pagsunod sa kanya. Pero hindi naniniwala si Johann sa mga multo at pinakaayaw niya ang hinahawakan siya.

May pag-asa kaya si Sunny na makawala sa mga bumabagabag sa kanyang mga multo gayong ayaw siyang tulungan ni Johann?

Samahan sina Sunny, Johann, at ang mga multo sa The Master’s Sun pagkatapos ng Rhodora X every Monday to Thursday on GMA simula sa May 19. Para sa latest sa Heart of Asia, keep visiting www.gmanetwork.com

-- Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com