
Isang exciting na collaboration ang mapapanood ngayong Sabado sa Dami Mong Alam, Kuya Kim, kung saan makakasama ni Kuya Kim Atienza ang rising content creator na si Lans o si Louise Anne Nagal, na mas kilala sa kaniyang iconic na pagbati na, “This is Laaans!”
Swak na swak ang tambalan nina Kuya Kim at Lans, dahil parehong passion nila ang pagbabahagi ng kaalaman. Bilang isang animal lover at tinaguriang “Trivia King,” hatid ni Kuya Kim ang ilang interesting facts. Samantala, si Lans, na isa ring veterinary medicine student, ay magdadagdag ng fresh insights tungkol sa animal care at fun, educational trivia.
Abangan ang one-of-a-kind na collaboration na ito sa Dami Mong Alam, Kuya Kim, tuwing Sabado, 10:45 am. Abangan din ang exclusive interview kay Lans sa GMA Public Affairs Youtube Channel.
RELATED: Filipina content creators and their businesses