
Sa kabila ng kanilang pagluluksa, binigyang-pugay ni Kim Atienza at ng kanyang asawa na si Felicia ang kanilang yumaong anak na si Emman ngayong Araw ng mga Santo, November 1.
Sa kanilang Instagram post, ibinahagi nila ang urn na naglalaman ng mga abo ni Emman, na napaliligiran ng mga bulaklak, sa isang black and white photo.
Sulat sa caption, "Heaven has gained a beautiful angel. My precious Emman is wrapped in His eternal love where there is no more sorrow. Emman, your laughter and spirit will echo loudly in Heaven. One day, we will be together again, my love, my mini-me."
Binawian ng buhay si Emman noong October 22, 2025. Siya ay 19 na taong gulang.
Noong October 24, 2025 inanunsyo ng pamilya Atienza ang hindi inaasahang pagpanaw ni Emman. Sa kanilang statement, nag-iwan ng pamilya ng mensahe para parangalan ang kanyang alaala. "We hope you carry forward the qualities she lived by: compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life."
Ibuburol ang content creator at Sparkle artist sa Chapel 5 ng The Heritage Memorial Park sa Taguig. Magaganap ang public viewing sa November 3 at 4, mula 12:00 p.m. hanggang 10:00 p.m.
RELATED CONTENT: Young personalities gone too soon