GMA Logo Kim Atienza
Photo source: KMJS
What's Hot

Kim Atienza, may mensahe para sa yumaong anak na si Emman

By Karen Juliane Crucillo
Published November 3, 2025 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
NCAA: San Beda escapes Benilde in thriller, punches ticket to rivalry finals vs. Letran
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Atienza


Kim Atienza kay Emman: “Thank you for the 19 years that you gave Papa and Mama, Jose and Eliana."

Mabigat man ang pinagdadaanan ng pamilya Atienza dahil sa pagkawala ni Emman Atienza, nanatiling puno ng pagmamahal si Kim Atienza para sa kanyang yumaong anak.

Sa emosyonal na panayam ni Kim kasama ang GMA journalist na si Jessica Soho, nagbigay siya ng huling mensahe para kay Emman.

“Emman, Papa loves you so much, Mama loves you so much, and again, you surprised us with the last thing that you did,” sabi ni Kim.

Dagdag pa niya, “Just know that I will see you soon, not too soon, but see you when our time comes, and we can't wait for that day to be with you again.”

Nagpasalamat din siya sa pagmamahal at kasiyahang ibinigay ni Emman sa loob ng 19 na taon.

“Thank you for the 19 years that you gave Papa and Mama, Jose and Eliana,” aniya.

Sa huling pagkakataon, hindi pinalampas ni Kim na iparating kay Emman ang pagmamahal na dapat nadama niya habang siya pa ay nabubuhay.

“We may not have shown you as much love when you were alive, but we love you so much,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Kinumpirma ni Kim at ng kanyang asawa na si Felicia Hung na pumanaw na si Emman noong October 22.

Maliban kay Jessica, marami rin ang nakiramay sa pamilya Atienza, kabilang ang Sparkle, mga kaibigan ni Emman, at iba pang artista na nakiisa sa pagpapalaganap ng “kindness” sa social media simula nang pagpanaw ni Emman.

Panoorin ang buong panayam ni Kim Atienza kasama si Jessica Soho dito:


Samantala, tingnan dito ang iba pang celebrities na nakiramay sa pagpanaw ni Emman Atienza: