
Kalmado ang naging pahayag ng TiktoClock host na si Kim Atienza o mas kilala sa tawag na Kuya Kim nang makarating sa kaniya ang balita na kumakalat sa TikTok sa kaniya umanong pagpanaw.
Related Content: More Trivia about Kuya Kim
Agad na nag-post si Kuya Kim sa Instagram at Facebook upang itama ang nakababahalang fake news na ito.
Pahagay niy sa Instagram caption, “Nope, not today.”
Samantala, sinabi naman niya sa kaniyang Facebook post na: “Aabot din tayo diyan, but not today.”
Nag-reply naman ang multi-awarded comedian na si Michael V. sa post ng Kapuso host at biro niya, “Welcome to the club, brod! Until again.”
Tugon ni Kim, “Dalawin kita bukas.”
Noong July 2020, naging biktima rin ng death hoax si Direk Bitoy habang nagpapagaling noon sa nakakahawang sakit na COVID-19.
Nag-react din ang Sparkle singer-actress na si Rita Daniela nang makita ang maling impormasyon na ito sa TikTok.
“Sobrang bad trip ako sa account na 'yan kuya. Naka off comment tapos iyong account niya sa TikTok, artists na pinatay niya.” komento ni Rita sa Instagram post ni Kim.
SAMANTALA, ETO PA ANG ILANG CELEBRITIES NA NAGING BIKTIMA NG DEATH HOAX