GMA Logo kim atienza and daughter emman atienza
What's Hot

Kim Atienza shares how Emman Atienza lived a modest life

By Jansen Ramos
Published November 4, 2025 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring cloudy skies, rain over parts of PH
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

kim atienza and daughter emman atienza


Binalikan ni Kuya Kim Atienza ang simpleng pamumuhay ni Emman Atienza na hindi ikinahiya ang pagsakay sa motorcycle taxi at pagsha-shopping sa ukay-ukay.

Emosyonal na inalala ni Kim Atienza ang kabaitan at malasakit sa kapwa ng kanyang yumaong anak na si Emman Atienza sa one-on-one interview ng batikang journalist na si Jessica Soho sa programa nitong Kapuso Mo, Jessica Soho.

Isa sa mga binalikan ni Kuya Kim ang pagiging maalalahanin ni Emman.

Ayon kay Kuya Kim, ibinahagi ni Emman ang perang natanggap niya bilang Christmas gift mula sa kanyang lolo na si dating Manila Mayor Lito Atienza sa kanilang mga kasambahay at driver.

Kwento ng TiktoClock host, "Pinamigay lahat. Quiet lang ako. Sabi ko, 'Emann, I keep this as a secret between the two of us, okay? Kasi pag nalaman ng nanay mo ito, sasabunin ka. But I'd like to say that I'm proud of you.' Gano'n kabait ang anak ko"

Sinabi rin ni Kuya Kim na malapit si Emman sa kanilang mga kasambahay. "Ang tambayan ng anak ko...sa likod kasama ng mga kasambahay ko."

Ikinuwento rin ni Kuya Kim ang pagiging mapagpakumbaba ni Emman sa kabila ng kanyang privilege background.

Sa kanyang TikTok account, ibinida ni Emman ang mga nabili niya sa ukay-ukay. Mapapanood din dito ang mga hand-me-down na damit at sapatos mula sa kanyang ina na si Felicia.

Pagbabalik-tanaw ni Kuya Kim, "May mga kotse naman kami pero mahilig yan mag-Angkas. Pumupunta sa Paco yan mag-isa, nag-u-ukay-ukay. 'Di nga alam ng mga tao na anak ko 'yan, e."

Dagdag pa ng TV host, "Akala ng tao maluho yan, hindi. Ang damit na maganda ni Emman, hand me down ng nanay n'ya tapos ang daming alahas n'yan, 'di ba? Puro fake lahat yan, sa Paco lang binili yan e. That's how she is e. Ukay-ukay queen yan, e. Ibang klase."

Sa huling parte ng panayam, muling ipinaalala ni Kuya Kim na maging mabuti araw-araw bilang pagpaparangal sa alaala ng kanyang yumaong anak.

Ika niya, "She did everything with kindness. Ngayong wala na si Emman, just be a little kind everyday. And when you're kind today, Emman will live in our hearts and that will give me comfort, as well."

Binawian ng buhay si Emman noong October 22, 2025. Siya ay 19 na taong gulang.

Noong October 24, 2025 inanunsyo ng pamilya Atienza ang hindi inaasahang pagpanaw ni Emman.

Nakaburol ang content creator at Sparkle artist sa Chapel 5 ng The Heritage Memorial Park sa Taguig hanggang ngayong Martes, November 4.

RELATED CONTENT: Young personalities gone too soon