
Nagulat ang It's Showtime host na si Kim Chiu sa mga tinakbo ng pangyayari at kinailangan niyang dalhin sa ospital.
Makikita sa Instagram Story ni Kim kahapon, January 19, nakapag-jogging pa ito.
Pero sa sumunod na post niya, ipinakita nito na kinailangan niya ng medical treatment.
Sabi niya sa caption ng kaniyang post, “Not what I expected to end my day. Thank you ate @haidzfernandez.”
Source: chinitaprincess (IG) & haidzfernandez (IG)
Naka-tag sa Instagram Story ang hair at makeup artist na si Haidee Fernandez. Nag-react din ito sa post ng Kapamilya actress na sinabing, “Kakapahinga mo pa lang, pero magpahinga ka ulit daw.”
Hindi pa malinaw sa post ni Kim ang dahilan ng kaniyang pagkaospital.
STUNNING PHOTOS OF KIM CHIU: