GMA Logo kim chiu
What's on TV

Kim Chiu, mas gustong ipagpalit siya sa tao kaysa sa basketball

By Aedrianne Acar
Published July 12, 2024 3:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

kim chiu


Naglabas ng saloobin si Kim Chiu sa ginawa ni Emil nang ipagpalit niya si Amber sa pagti-training sa basketball.

Napahugot ang It's Showtime host na si Kim Chiu sa pagtatapos ng love story ng "EXpecially For You" searcher na si Amber at ng ex-boyfriend niyang si Emil.

Naghiwalay ang dalawa dahil mas pinili ni Emil na mag-concentrate sa paglalaro ng basketball, hanggang tuluyan na niyang napabayaan ang relasyon nila ni Amber.

Kuwento ni Amber nang ma-realize niyang hindi ganun kalalim yung pagtingin ng dating partner, "Sobrang sakit po, parang ginagawa ko na lang 'yung best ko na intindinhin siya. Kasi, parang pinapanghawakan niya rin yung word na nagpaalam siya, una pa lang, bago maging kami na mabu-busy siya sa basketball.

"So, ayun na lang po, iniintindi ko na lang po lagi na kasi basketball nga talaga yung gusto niya. 'Tsaka iniitindi ko din po pala na kasi nandiyan 'yung basketball.”

Sumunod na sinabi ng searcher, “Kasi, buti po sana kung basketball tapos ako. Kaso, hindi po e. basketball, tropa, accads, family, ako 'yung last.”

Komento naman ng Chinita Princess sa mga narinig niya sa dalawa, “Minsan kasi mapapa-isip ka rin talaga, e, na mas maganda yung dahilan ng paghiwalay n'yo ay babae o tao. Hindi, e, laro! 'Yung, 'Bakit ganun? Hindi ba ako kasing saya ng isang 'yan?'”

Tanong ni Vice Ganda kay Kim, “Pero kung ikaw mapupunta sa dalawang sitwasyon na puwede ka mamili Saan mo pipiliin na ipagpalit ka sana: sa laro o sa tao?

Sagot ni Kim, “Sa tao! Para may panggalitan talaga ako. Para, makita ko talaga kung ano nangyayari sa kaniya. 'Yung laro kasi, hindi, e."

Hirit ni Meme sa kaibigan, “Be careful what you wish for.”

Sabat ng Kapamilya actress, “Nangyari… charot!”

Patuloy niya, “Mahirap kasi yun sa laro ka ipinagpalit. Sa isang bagay na hindi naman nakakapagsalita.”

RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES