GMA Logo Kim Chiu, IV of Spades
PHOTO COURTESY: princesschinita, ivofspades(Instagram)
What's on TV

Kim Chiu responds after mispronouncing IV of Spades

By Dianne Mariano
Published September 14, 2025 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO, sinuspinde ang mga driver’s license ng 3 motoristang nagkarera umano at naaksidente sa QC
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chiu, IV of Spades


Inamin ng actress and 'It's Showtime' host na si Kim Chiu na “honest mistake” ang naging mispronunciation niya sa bandang IV of Spades.

Nilinaw ng Kapamilya star at host na si Kim Chiu na isang "honest mistake" ang nangyaring mispronunciation niya sa bandang IV of Spades.

Noong September 10, matatandaan na bumisita nasabing OPM band kamakailan sa noontime variety show na It's Showtime, kung saan inawit nila ang kanilang bagong single na "Aura."

Sa naturang episode, aksidenteng tinawag ni Kim ang grupo gamit ang letters "I" at "V" imbis ang roman numeral na "IV" o "four." Umani ito ng iba't ibang reaksyon online at nagbigay ng pahayag ang aktres tungkol dito.

"Let me just clear this out. Bilang mahilig ata tong [account] na to sa 'clout.' Honest mistake, diko talaga sila kilala. Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this," tweet niya sa X.

Dagdag pa niya, “This will be the last time I answer this. Right now, there are far bigger problems in our country and even in our own lives than nitpicking on small things like this. Ako nga, my surname is often misspelled as CHUI instead of CHIU pero never ko naman pinapalaki or ginagawang issue. Ang hirap sa iba, instead of lifting each other up, we pull one another down. Crab mentality.”

Sinabi rin ng aktres na sana ay mas piliin na lamang na magtulungan para sa ikauunlad ng lahat.

Patuloy niya, “Mas kailangan ng bansa [natin] ang boses mo doon, sa tunay na laban, sa tunay na problema, sa tunay na kalaban. Pare pareho tayong lumaban sa buhay ng patas. Be considerate. Be kind.”

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

TINGNAN ANG STYLISH MOMENTS NI KIM CHIU SA GALLERY NA ITO.