What's on TV

Kim Chiu sa kanyang bashers: 'May mga perfect talaga mga tao diyan'

By Kristine Kang
Published September 17, 2025 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'One Battle After Another' leads Hollywood's Golden Globe nominations
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

kim chiu


Alamin ang buong reaksyon ni Kim Chiu sa hate comments tungkol sa kanyang recent mispronunciation incident.

Tila may banat si Kim Chiu para sa kanyang bashers online.

Sa September 15 episode ng It's Showtime, muling nagpakilala si Kim ng special guests na sina "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak" contestants na sina Jezza Quiogue at Nowi Alpuerto.

Matapos mabanggit ang kanilang pangalan, kaagad nagbiro si Kim.

"Ayan, ha, tama 'yung pagkakabigkas ko ng pangalan," ani Kim.

"Baka magkamali nanaman. May mga perfect talaga mga tao diyan."

Kasunod nito, patawang ibinahagi niya ang kanyang pananaw.

" Yes! Let' just be happy! Easy lang, easy lang. Ang alam ko si God lang ang perfect,e. Alam mo 'yun? No one's perfect."

Pero nauwi muli sa tawanan ang hosts at madlang people nang biglang may ibang pronunciation siyang ginawa sa pangalan ng guests.

"Mali na naman sinabi mo. Sabi mo, 'Knowi'," asar ni Jhong Hilario.

Hirit naman ni Jugs Jugueta, "Okay lang 'yun kasi nobody's perfect, di ba? "

"Tandaan mo lang, Kimmy, Know-body's perfect," dagdag ni Teddy Corpuz.

Ang reaksyon ni Kim ay kaugnay sa nakaraang “honest mistake” niya kung saan mali niyang binigkas ang pangalan ng OPM band na IV of Spades. Aksidente niya kasing tinawag itong “I-V of Spades” sa halip na “Four of Spades.”

Dumagsa ang reaksyon online at nagbigay ng pahayag si Kim sa X.

Agad naman niyang sinagot ito sa isang tweet sa X. Aniya, "Let me just clear this out. Bilang mahilig ata tong [account] na to sa 'clout.' Honest mistake, diko talaga sila kilala. Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this."

Dagdag pa niya, “This will be the last time I answer this. Right now, there are far bigger problems in our country and even in our own lives than nitpicking on small things like this. Ako nga, my surname is often misspelled as CHUI instead of CHIU pero never ko naman pinapalaki or ginagawang issue. Ang hirap sa iba, instead of lifting each other up, we pull one another down. Crab mentality.”

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

TINGNAN ANG STYLISH MOMENTS NI KIM CHIU SA GALLERY NA ITO: