GMA Logo Kim Chiu
PHOTO COURTESY: Clare Cabudil
What's Hot

Kim Chiu tells the theme of her Christmas tree this year

By Dianne Mariano
Published November 12, 2025 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Castro: Probe should be done into how 'Cabral files' were sourced
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chiu


Ano kaya ang planong tema ng 'It's Showtime' host na si Kim Chiu para sa kanyang Christmas tree ngayong taon?

Ngayong nalalapit na ang Pasko, nagsisimula na ang karamihan sa paglalagay ng iba't ibang Christmas decorations sa kani-kanilang mga tahanan.

Inaabangan din sa social media ang mga ibinabahaging Christmas trees ng mga artista at kilalang personalidad, gaya ng actress at host na si Kim Chiu.

Sa panayam ng It's Showtime host sa press sa naganap na Christmas campaign shoot ng isang popular e-commerce platform, ikinuwento niya ang nais niyang tema para sa kanyang Christmas tree ngayong taon.

“Every year kasi iba-iba 'yung mood ko for the year, kung ano 'yung pinapasalamat ko talaga. Siguro this time, ang gusto kong Christmas tree is color white kasi gusto ko talaga ay tahimik, payapa, and more peace, and contentment in life,” pagbabahagi niya.

Noong 2023, matatandaan ang kakaibang Christmas Tree ni Kim dahil sa upside down o inverted na posisyon nito.

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

Bukod dito, ibinahagi rin ng aktres na wala siyang eksaktong budget para sa mga ireregalo dahil aniya'y ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at isang selebrasyon.

SAMANTALA, TINGNAN ANG CHRISTMAS TREES NG ILANG SHOWBIZ PERSONALITIES NOONG 2024 SA GALLERY NA ITO.

ID: 22096

LINK: https://www.gmanetwork.com/entertainment/photos/how-local-stars-and-personalities-decorated-their-2024-christmas-trees/22096/