
Labis ang saya ng actress at host na si Kim Chiu sa engagement ng kanyang kapwa It's Showtime host na si Ryan Bang.
Sa episode ng naturang noontime variety show ngayong Huwebes (July 4), binati ni Ryan ng “welcome back” ang kanyang co-host.
Nagpasalamat naman si Kim at masayang sinabi, “Ryan, congratulations, ikakasal ka na!”
Nang tanungin ng Kapamilya star ang Korean host kung kailan ang kasal nito, sagot ni Ryan, “soon.”
“Binata ka na talaga!” ani Kim.
Tinanong naman ni Ogie Alcasid si Kim kung masaya siya para kay Ryan.
“Oo, super,” sagot ni Kim.
Hirit pa ng OPM icon sa kanyang co-host, “Happy din kami for you.”
Nitong Hunyo, inanunsyo nina Ryan Bang at ng non-showbiz partner niyang si Paola Huyong na sila ay engaged na.
“God is good,” sulat ni Paola sa kanyang post.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Related gallery: Ryan Bang's sweetest moments with non-showbiz GF Paola Huyong