
Nitong June 16, sumalang ang anim na StarStruck hopefuls para sa kanilang final audition.
Sa round na ito ay kanilang ipinakita sa StarStruck council na sina Cherie Gil, Heart Evangelista, at Jose Manalo ang kanilang mga talento. Sa final audition nagdesisyon ang mga judges kung sila ba ay nararapat na mapasali sa Final 14.
LOOK: 'StarStruck' pilot episode trends on Twitter, gets praised for credible judges
Sa huli ay napagdesisyunan ng council na mapasali sina Kim De Leon, Dani Porter, Angelic Guzman, at Gelo Alagban sa Final 14. Hindi naman pinalad ang mga hopefuls na sina Kyle Lucasan at Marc David.
Balikan ang episode na ito mula sa original and credible reality-based artista search ng bansa.
Subaybayan ang kanilang artista journey everyday sa Inside StarStruck na mapapanood sa StarStruck YouTube channel. Abangan din ang Final 14 at ang kanilang pagharap sa council tuwing Sabado ng 7:55 p.m. at Linggo ng 7:40 p.m.