GMA Logo Kim De Leon
PHOTO COURTESY: kimmdeleon_ (Instagram)
What's on TV

Kim De Leon, nagkwento tungkol sa kanyang new single na 'Window'

By Dianne Mariano
Published September 27, 2024 12:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Kim De Leon


Hinarana ng Sparkle artist na si Kim De Leon ang Madlang People sa pamamagitan ng kanyang newest single na 'Window.'

Isang heartfelt performance ang hatid ng Sparkle star na si Kim De Leon sa It's Showtime nitong Huwebes (September 26).

Inawit ng StarStruck Season 7 Ultimate Male Survivor sa noontime variety show ang kanyang newest single na “Window.” Matapos ito, masayang binati ni Kim ang mga manonood ng “What's Up, Madlang People.”

Tinanong din siya ng singer-host na si Darren Espanto kung tungkol saan ang kanyang awitin. Ayon kay Kim, ang "Window" ay base sa kanyang totoong experience.

“Actually, totoong nangyari 'to. May nakita akong babae sa window tapos binatukan ako ng mama ko kasi nakangiti raw ako mag-isa,” lahad niya.

Dagdag na tanong naman ni Jhong Hilario, “Pwede ba namin malaman [kung] sino 'yung babae na 'yon?”

Ayon kay Kim, ang pangalan ng babaeng iyon ay nagsisimula sa letter “J.” Dahil dito, tinukso ng mga host si Jackie Gonzaga nang ituro siya ng mga ito.

Hirit ni Jhong, “Wait lang. 'Wag kang assumera.” “Bakit, Kuya Jhong?” tanong ni Jackie sabay tinuro ni Jhong ang kanyang sarili at sinabi ang pangalan niya dahil nagsisimula rin ito sa J.

Labis naman ang pasasalamat ni Kim sa Madlang People dahil sa kanilang mainit na pagtanggap.

“Grabe maraming salamat, Madlang People, sa mainit na pagtanggap. Sana nagustuhan niyo ang aking new single,” anang Sparkle star.

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.