
Ilang taon matapos ikasal at kalaunan ay maghiwalay ng '90s celebrity couple na sina Kim de los Santos at Dino Guevarra, masasabi ng dating aktres na “completley healed” na siya mula sa nakaraan nila ng ex-husband.
Matatandaan na sunikat si Kim nang makasama siya sa hit teen-oriented show na T.G.I.S. noong dekada '90 at doon niya nakilala ang dating asawa na si Dino. Ngunit noong 2004, ay iniwan ng dating aktres ang pag-a-artista para mag-migrate sa Amerika.
Sa online entertainment vlog na Marites University, inamin ni Kim na ang ex-husband niyang si Dino ang dahilan kung bakit siya umalis noon sa showbiz at ng bansa.
“I'm not gonna lie about it, he was really the main reason why I had to leave. Kasi I was sobrang in love. In love talaga ako kay Dino and the last fight that we had naging physical,” kuwento niya.
Dagdag pa niya, sinabihan siya ng mga tao noon na umalis na dahil kahit na nangyari lang ang pananakit once, ay hindi malabong maulit ito. Ani Kim ay noong una, galit at inis siya kay Dino sa ginawa ng dating aktor ngunit kalaunan ay naintindihan na niya.
Dagdag pa ng aktres ay ito mismo ang dahilan kung bakit nagustuhan niya ang psychology at kumuha ng kurso bilang psychiatric health nurse.
“Because in order for you to understand what they're going through, you need to go back to what you know as well,” sabi ni Kim.
Nang tanungin naman ang dating aktres kung kamusta na siya ngayon, ang sagot niya, “Right now, I'm well healed. It took years, so for the forgiveness and everything and all that stuff.”
Nilinaw man ni Kim na hindi na siya nakikipag-communicate pa kay Dino para makaiwas sa gulo, sinabi naman niyang close friends sila ng asawa nitong si Karen Gabriel. Kuwento pa ng dating aktres, isa ito sa mga naging sponsor ng recent fundraising event niya sa bansa.
“One time, she (Karen) posted something on Facebook na sabi ko, 'I think it's time to reach out.' So ako ang nag-reach out. Kasi there are certain things in life na bitbit mo, e. If you hurt somebody, if you've done something, habang-buhay mo 'yan e,” pag-alala ni Kim kung papaano sila nagkatagpo ni Karen.
Pagpapatuloy ng dating T.G.I.S. actress, “I wanted to give her peace so I did it myself. I reached out to her and said 'Karen, it's okay.'”
Nilinaw ni Kim na hindi naman tungkol sa kaniya ang post ni Karen na “People make mistakes,” at sinabing baka may pinagdadaanan ito noong mga panahon na 'yun.
Ayon kay Kim ay napatawad na niya si Karen dahil masaya siya ngayon sa buhay niya.
Paliwanag ng dating aktres, “You will not be able to forgive somebody if you're not in a good place. You won't kasi may bitbit kang bitterness e. But when you're okay, and then you bashed out all your issues, okay na, wala na.”
Kaakibat nito ay sinabi ni Kim na napatawad na rin niya ang sarili, at inaming nasaktan din naman niya noon si Karen.
Ngunit pagdating kay Dino, sinabi ni Kim na para maintindihan ang dating aktor at kung bakit niya nagawa ang mga nagawa niya ay kailangan kilala siya hanggang sa pagkabata.
“When you get, I guess I'm old, and your perspective changes, I learn because of what I've been through in life. I've learned to always look at everybody's perspective. There's a why. I call it the why question. 'Why would a person do this? What was the person thinking? What was the motive?'” sabi ni Kim.
Pagpapatuloy ng dating aktres, “When you ask those why, you'll figure out, parang makikita mo sa perspective niya e kung bakit niya nagawa. Kasi, minsan, ang problema, we always look at our point of view and then we understand everything through our point of view. You're actually not listening to the other person's point of view.”
“So then it lessens your judging, and it helps you forgive,” sabi ni Kim.
Sa ngayon, sinabi ni Kim na wala na siyang issue laban kay Dino at katunayan ay bukas siyang makatrabaho muli ang dating co-star at ex-husband.
“Sabi ko nga sa'yo, you need to reach that point first kasi kapag may bitterness 'yun, iwas ka na muna,” pagtatapos ng aktres.
STARS NG T.G.I.S. NASAAN NA NGAYON?