
Matapos mamalagi sa Amerika ng maraming taon, nagbalik sa Pilipinas ng ilang araw ang dating T.G.I.S. actress na si Kim de los Santos para magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina.
Sa online entertainment channel na 'Marites University,' ikinuwento ni Kim na nagsagawa siya ng fundraising sa Houston, Texas kung saan siya naka-base ngayon, para makapagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Carina sa Pilipinas.
“Gladly, all the Filipinos actually helped out so we were able to give out 1,500 relief goods; 500 sa Pasig, and then 1,000 sa Poblacion, Bustos, Bulacan. The project was really for me to give relief goods, no showbiz or anything, just the giving back sa mga kababayan natin na makatulong” sabi ni Kim.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA TUMULONG SA RESCUE AT RELIEF OPERATIONS NOONG BAGYONG CARINA SA GALLERY NA ITO:
Kuwento pa ni Kim, isa siya sa mga namigay mismo ng relief goods dahil may mga hiningan siya ng pera at gusto niyang masigurado sa kanila na mapupunta ang mga donasyon sa mga taong nangangailangan.
Sabi pa ng dating aktres, noong buksan niya ang ideya niya tungkol sa pagbigay ng relief goods sa mga kakilala niya sa US, may ilan sa kanila na skeptical.
“They were like, 'Where's the money gonna go? Is it gonna go to the people? I don't have issues helping, but I wanna make sure that it goes there,'” sabi ng dating aktres.
Sabi pa ni Kim ay pinagdasal rin niya kung papaano niya gagawin ang pagbigay ng relief goods at sa tulong ng isang dating kaibigan ay na-organize ang lahat at nasimulan nila nag fund raising.
Ayon kay Kim ay naging malaking tulong ang dating T.G.I.S. co-star at Pasig City council member na si Angelu de Leon sa pagbigay nila ng tulong.
“Magkasama kami ni Angelu [sa T.G.I.S.] and then when I reached out to her, kasi wala na po akong kilala na mga pulitiko dito and I don't know how to [reach out] 'cause, you know, I really wanted to give back. Then, sabi ko, 'Angelu, can you help me?' and she's like, 'Sure!' and then that was it,” Kuwento ni Kim.
Pagpapatuloy ng dating aktres ay nakatulong din ang isang kaibigan niya na nagtatrabaho sa isang malaking grocery chain.
“'Yung relief goods, we bought it through them and they packed it for us, and then they even delivered it for free,” kuwento ni Kim.
Tingnan ang relief operations nina Kim at Angelu dito: