What's on TV

Kim delos Santos at Antoinette Taus, nagkatampuhan dahil kay Dingdong Dantes

By Kristian Eric Javier
Published August 12, 2025 2:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog Festival 2026: The GMA Regional TV Special Coverage
Barangay chairman, nephew killed in Cotabato shooting
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

kim delos santos


Alamin kung paana nagsimula ang tampuhan nina Kim delos Santos and Antoinette Taus dito:

Ibinahagi ni Kim delos Santos na nagkatampuhan sila ng dating T.G.I.S. co-star niyang si Antoinette Taus dahil sa co-star din nilang si Dingdong Dantes.

Sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 11, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung sino ang artistang nakatampuhan na niya. Sinagot ni Kim ang pangalan ni Antoinette, na tinawag niyang Toni.

Nagsimula raw ang tampuhan ng dalawang aktres dahil pareho silang may gusto kay Dingdong, na nakarelasyon kalaunan ni Antoinette.

“Parehas kaming gusto nung time na 'yun siguro kaya lagi kami nagtatalo. Siya 'yung lalaking gusto ko before, [si] Dingdong, pinagseselosan before. Ay nasabi ko rin! First time kong banggitin 'yun,” pagbabahagi ng aktres.

Nilinaw naman ni Kim na naayos rin nila ni Antoinette ang kanilang tampuhan.

"Tumanda na, e. We're older. Siyempre, bagets, e, we were teens, so selos dito, selos du'n, 'yung mga ganu'n,” sabi ni Kim.

TINGNAN KUNG NASAAN NA NGAYON ANG DAING 'T.G.I.S.' STARS SA GALLERY NA ITO:

Samantala, ibinahagi din ni Kim na kamakailan lang ay nakakuwentuhan niya si Dingdong at Polo Ravales, na nagsabing may bagong show ang Kapuso Primetime King at inudyukan siyang tanungin ito kung maaari siyang maging parte ng naturang show.

“And then, Dingdong was asking me if it's okay for me to come here and stuff like that, and I said, 'Yeah, I can always ask for changing my work to PRN as needed.' So, it's one of the options that I've been thinking about. And Dingdong was like, 'Sigurado ka ba?'” sabi ni Kim.

Pagpapatuloy pa ng dating aktres, nami-miss niya ang pag-arte at sa katunayan, gusto niyang bumalik muli dito.

“Kasi nami-miss [ko], Tito Boy, it's in your blood. It's like you miss it,” sabi ng dating aktres.

Matatandaang bumida si Kim bilang si Tere Gonzaga sa youth-oriented series noong '90s, ang T.G.I.S., kung saan nakasama niya sina Dingdong, Antoinette, Polo, at dati niyang asawang si Dino Guevarra.

Idinerehe ni Mark Reyes naturang programa na nagsimula sa GMA Network noon 1995. Nagkaroon din ito ng pelikula, ang 'T.G.I.S.: The Movie,' noong 1997.

Panoorin ang buong panayam kay Kim sa video sa itaas.