GMA Logo kim delos santos
What's on TV

Kim delos Santos, bakit nakipaghiwalay sa 11-year long boyfriend-turned-fiance?

By Kristian Eric Javier
Published August 12, 2025 10:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pinoy nurses in US join strike to call for safer staffing, better pay
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

kim delos santos


Alamin kung bakit nakipaghiwalay si kim delos Santos sa kaniyang boyfriend-turned-fiancé matapos ang 11 na taon.

Umabot ng 11 na taon ang naging relasyon ng dating aktres na si Kim delos Santos sa kaniyang non-showbiz boyfriend na naging fiancé niya sa Amerika. Kaya naman naging kagulat-gulat ang kanilang paghihiwalay.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 11, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang buhay pag-ibig ni Kim. Binalikan din nila ang paghihiwalay ng aktres at ng dating asawa at kapwa aktor na si Dino Guevarra.

Ayon sa aktres, at peace na siya sa kanilang hiwalayan. Sa katunayan, handa na siyang makatrabaho ulit ito kung sakaling mabigyan sila ng pagkakataon.

“I'm actually open to working with him. If there was a chance, I wouldn't mind it. Ganu'n na, simula na. That's why I said I'm ready to come back because at peace na 'ko. Kahit makatrabaho ko siya, I'm fine,” sabi ni Kim.

Nang tanungin siya ng batikang host kung muli pa ba siyang na-in love matapos ng relasyon nila ni Dino, sagot ni Kim, nagkaroon siya ng 11-year relationship. Ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan.

“I had an 11-year relationship. Fiancé ko na po, we were supposed to get married. So between Dino and my fiancé, that was 18 years sa two guys,” sabi ni Kim.

TINGNAN ANG NAGING BUHAY NI KIM SA AMERIKA SA GALLERY NA ITO:

Ayon kay Kim, simula noon ay hindi na muna siya nagkaroon ng relasyon para mag-self-heal muna.

Inamin ni Kim na ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating fiancé: “Nawalan ng love.”

Paliwanag niya: “You run out of love. Sa kaniya ko naintindihan kung ano 'yung naramdaman sa akin ni Dino. 'Yung masyadong clingy, 'yung laging naka dikit, 'yung parang universe mo 'yung isang tao,” sabi ni Kim.

Aniya, ito rin ang dahilan kung bakit hindi na siya galit kay Dino. Naiintindihan na raw niya ang rason nito kung bakit nawalan din ng pagmamahal ang aktor sa kaniya noon.

“When I look back, 'yung eight years, parang I was trying to figure out, 'What am I doing wrong and what's wrong with the relationships?' And then I realized, 'yun nga. Nakita ko, that was me with Dino. So, nawawala pala. 'Pag sobra, parang it will push you away,” sabi ng aktres.

Paglilinaw naman ng aktres ay handa pa rin naman siyang magmahal ngunit ngayon, mag-iintay na siya ng tamang tao sa tamang panahon.

“I believe if it's time, God will provide. Darating 'yan, bibigay ni Lord 'yan. Kasi 'pag ako namili, baka mali nanaman. So pinag-pe-pray ko na lang. Sabi ko, 'Lord, if it's time, sana siya na, last na 'yan,'” sabi ng dating aktres.

Related gallery: Kim delos Santos, hindi na kailangan ng closure kay Dino Guevarra