GMA Logo Kim Delos Santos
Photo source: Snooky Serna (YT), kimnicole727 (IG)
What's Hot

Kim Delos Santos, dumaan sa hirap at diskriminasyon habang nasa Amerika

By Karen Juliane Crucillo
Published August 9, 2025 6:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Delos Santos


Alamin dito ang mga sinapit na paghihirap at diskriminasyon ni Kim Delos Santos sa Amerika.

Mula sa pagiging child star, pinili ng aktres na si Kim Delos Santos na iwan ang showbiz at manatili sa Amerika.

Sa loob ng 21 taon sa ibang bansa, ikinuwento ni Kim ang kaniyang naging buhay sa isang panayam ni Snooky Serna para sa kanyang YouTube channel.

A post shared by Kim de los Santos (@kimnicole727)

"Mahirap," bungad ni Kim sa tanong ni Snooky kung kamusta ang buhay niya sa Amerika.

Aniya, "If you don't have education, you have nothing to fall back on. Ano'ng magiging trabaho mo if you have no degree, what job are they going to give you?"

Bilang hindi nakatapos at nakapagtapos lang ng high school, inamin nito na nahirapan ito makahanap ng matino at permanenteng trabaho.

"I was like looking at myself, mopping floors, my second job is stuffing insurance cards in an envelope," ikinuwento ng child star.

Dagdag nito, "Nag-receptionist ako. Then one day I said to myself, I was like 28 na noon. This is my favorite question, 'What do you want? Where are you at? What are your goals?'"

Sa paulit-ulit na karanasan niya, nagkaroon siya ng self-reflection at naglakas loob na lumapit sa kaniyang tatay at magsabi na gusto na niya mag-aral.

Simula noon, siya ay naging nurse, ngunit, hindi doon nagtatapos ang kaniyang paghihirap.

Humarap si Kim sa maraming diskriminasyon bilang nurse sa loob ng ospital.

"I was born in America pero mas magaling ako mag-tagalog kaysa mag-english. Sa language at sobrang tabachingching [taba], I was big. Apparently, I was depressed. Depression, hypothyroidism," pag-amin ni Kim.

Inamin nito na umabot na din siya sa punto na gusto na niyang mag-resign sa pagiging nurse.

Sa lahat ng kaniyang karanasan, ibinahagi ni Kim kung ano ang natutunan niya sa pag-alis niya sa Pilipinas hanggang sa pamumuhay niya sa ibang bansa.

"Have strong faith, kasi at your lowest point, the most trickiest thing that you can do is going into depression and you would want to finish everything," sabi nito.

Kababalik lang ni Kim sa Pilipinas galing sa Amerika noong July 25. Ibinahagi ni Kim na ang rason ng kaniyang pagalis sa showbiz ay dahil sa kaniyang ex na si Dino Guevarra.

Si Kim ay naging bahagi ng '90s youth-oriented drama series ng GMA-7 na T.G.I.S. kasama sina Dingdong Dantes, Sunshine Dizon at Polo Ravales.

Kilalanin ang '90s child star na si Kim Delos Santos dito: