GMA Logo Kim delos Santos
Source: kimnicole727 (IG)
What's on TV

Kim delos Santos, humbled ng mga naranasan niya abroad

By Kristian Eric Javier
Published August 12, 2025 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pinoy nurses in US join strike to call for safer staffing, better pay
P22,000 cash, laptop lost to burglar in Iloilo City

Article Inside Page


Showbiz News

Kim delos Santos


Kahit umalis na broken-hearted, masaya naman si Kim delos Santos sa naranasan niyang ng buhay sa Amerika.

Umalis ng Pilipinas si Kim delos Santos 21 taon na ang nakakaraan para mamuhay sa Amerika at pagbabahagi niya, hindi rin naging madali ang buhay doon. Sa katunayan, humbled pa nga siya dahil sa mga naranasan niya sa ibang bansa.

Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, August 12, ikinuwento ni Kim ang naging buhay niya sa Amerika.

“Alam mo, lahat ng pagka-humble ko, galing sa paghihirap sa trabaho. Kasi before, I was an actress, medyo pampered po tayo, 'di ba? You always have a way of making money and all that stuff, and you were treated very well. But when you start from the bottom, you learn and you can now relate to people more,” sabi ni Kim.

Pagbabahagi pa ng aktres, tatlong trabaho ang sabay-sabay na pinasukan niya noong una siyang nagpunta sa Amerika, mula sa pagiging cashier, paghahanda ng mga pagkain, at pagpasok sa isang cofee shop. Bukod pa doon ay nagsa-stock din siya ng supplies nito.

Ngunit ang pinakamatindi niyang naranasan noon ay nang mag-mop siya ng sahig, bagay na hindi niya ginagawa sa Pilipinas.

“Tito Boy, the first time I mopped the floor, I was crying like crazy because sabi ko, 'I've never done this in the Philippines.' Tapos sabi ko 'Dino --' of course, in my head, 'Dino, kasalanan mo 'to, e,'” pag-alala ni Kim.

BALIKAN ANG DATING CELEBRITIES NA INIWAN ANG BUHAY SHOWBIZ PARA MANIRAHAN ABROAD SA GALLERY NA ITO:

Sa ngayon ay malaki lang ang pasasalamat ni Kim sa pagpunta niya sa Amerika dahil umalis man siya ng Pilipinas na broken-hearted dahil sa hiwalayan nila ng dating asawa na si Dino Guevarra, napalitan naman ito ng magagandang bagay.

“I'm thankful. Thankful kasi everything that happens, we actually mention this, it happens for a reason. And then it's how you use your lessons that are given to you is what matters. You can make something negative into something positive,” sabi ni Kim.

Pagpapatuloy pa ng dating aktres, “It was replaced with me being able to go back to school, experiencing my life in America, and then humbling myself.”

Panoorin ang panayam kay Kim dito: